damdamin ng katapatan at pagmamalakí sa pangkat na kinabibilángan
esprit (es•prí)
:
masigla at matalas na pagiisip
de-
1:
unlaping pambuo ng pang-uri at nangangahulugang may-roon, nakasuot, o gumagamit, karani-wang ipinapalit sa naka-, hal de-kotse, de-koryente, de-kuwerdas
2:
gawâ sa, hal de-lata, de-goma
3:
unlaping pambuo ng pandiwa at nangangahulugang a tanggalin, ilayô mula sa, o malayô hal deport, dethrone b pababâ, hal degrade, demote c gawin ang kabaligtaran, hal decompose, de-moralize d lubusan; ganap, hal deplore, declare
corps (kor)
1:
pangkat ng mga taong may natatanging tungkulin
2:
pangkat ng mga tao
De pro•fún•dis
:
dasal para sa patay
de facto (di fák•to)
:
umiiral sa realidad, mayroon o wala mang legal na karapatan o pahintulot
bel esprit (bel es•prí)
:
tao na matalas ang isip
de luxe (de laks, de luks)
1:
mataas na uri
2:
may taglay na luho
de jure (di dyú•ri)
:
may karapatan; ayon sa karapatan
a•ni•yás de mó•ras
:
mataas at magaspang na damo (Vetiveria zizanoides) na may mabangong ugat at dahon, katutubò sa India ngunit malaganap sa Filipinas
langis na inilalagay sa pilat para mabawasan ang bakás ng sugat
pa•pél de báng•ko
:
salaping papel.
nom de guerre (nam de ger)
:
alyas na ginagamit ng isang tao sa pakikilaban o sa iba pang gawain
auto de fe (áw•to de fé)
1:
parusang gawad ng Ingkisisyong Espanyol
2:
pagpapatupad ng gayong parusa, gaya ng pagsunog sa erehe
dama de noche (dá•ma de nót•se)
:
halámang ornamental (Cestrum nocturnum) na mahabà ang mga sanga, at berdeng manilaw-nilaw ang bulaklak na humahali-muyak sa gabi, katutubo sa tropikong Amerika
de Malacca, Enrique (de má•la•ká en•rí•ke)
:
interpreter ni Fernando Magallanes, sinasabing katutubò sa Filipinas
Fuerza de Santiago (fu•wér•sa de san• ti•yá•go)
:
kutà na kasudlong ng Intramuros, Maynila, ginamit na bilangguan sa mga panahon ng Espanyol at ng Hapon
tercio de policia (tér•syo de po•lís•ya)
:
mga pulis na nakatala-ga sa mga lalawigan.
Cagayan de Oro (ka•ga•yán de ó•ro)
:
lungsod sa Misamis Oriental at kabesera ng lalawigan
ná•ta de coco (ná•ta de kó•ko)
:
malambot at parang helatinang pagkain na nabubuo sa pamamagi-tan ng pagburo sa tubig ng niyog
kasulatang nilagdaan noong 1897 ni Andres Bonifacio at nagpapawalang-bisa sa halalan ng mga opisyal na ginanap noong 22 Marso 1897 sa Kumbensiyong Tejeros
ka•dé•na de a•mór
:
baging (Antigonon leptopus) na may malakíng habilog na dahon at may ukit ang mga gilid, may mga bulaklak na nakapumpon sa bawat tangkay, kulay mapusyaw hanggang matingkad na pink, katutubò sa Mexico at malaganap ngayon sa buong Filipinas, may mga variety na inaalagaan sa hardin at may mga bulaklak na kulay putî hanggang pink
tribunal de consulado (tri•bu•nál de kon•su•lá•do)
:
no-ong panahon ng Espanyol, tribunal na binubuo ng mga mangangalakal na nagpapasiya ukol sa mga bagay sa pangangalakal, obligasyon, at kontrata.
tour de force (túr de fórs)
:
katangi-tanging lakas, galíng, o ka-kayahan.
feu de joie (fyu de zhwa)
:
pagpupugay sa pamamagitan ng pagpapaputok ng mga baril
Mi•yer•ko•lés de Se•ní•sa
:
unang araw ng Kuwaresma na ginugunita sa pama-magitan ng pagpapahid ng abó sa noo pagkatapos magsimba
jeu de mots (zhu de mó)
:
pilipit na salita
Ve•nus de Mi•lo
:
klasikong imahen ni Aphrodite na tinatáyang ginawâ noong 100 BC, itinuturing na pinakatanyag na sinaunang eskultura, natagpuan sa Griyegong isla ng Melos noong 1820, at nása museong Louvre sa Paris, France ngayon
consejo de Indias (kon•sé•ho de ín•dyas)
:
sa panahon ng Espanyol, kataas-taasang lehislatibo at administratibong lupon para sa mga kolonya; hukuman ng hulíng pagdulog
informe de conducta (in•fór•me de kon•dúk•ta)
:
no-ong panahon ng Espanyol, hudisyal na imbestigasyon ukol sa pagkatao ng isang indibidwal
pa•pél de tsí•na
:
papel na inangkat mula sa Tsina, gawâ sa kawayan o bulak.
ka•bél•yo de ang•hél
:
baging (Quamoclit pennata) na ginagamit na halámang ornamental
Rio Grande de Mindanao (rí•yo grán• de de min•da•náw)
:
pinakamalaking ilog sa katimugang Filipinas, umaabot sa 320 km ang ha-bà, nagsisimula ito sa hilagang sila-ngang Mindanao timog ng Butuan at tinatawag doong Ilog Pulanggi, du-madaloy ito upang sumanib sa Ilog Kabacan at nagiging Ilog Mindanao. Mula sa kabundukan, nagiging sentro ito ng malawak at mayamang lupain sa timog gitnang bahagi ng Mindanao hanggang magtapos sa Golpong Mo-ro
Don Tiburcio de Espadaña (don ti•búr•si•yó de es•pa•dán•ya)
:
tauhang Espanyol sa Noli Me Tangere at El Filibusterismo, nagpapanggap na doktor, at sunod sunurang bána ni Donya Victorina
tribunal supremo de España y Indias (tri•bu•nál su•pré•mo de es•pán•ya i ín•dyas)
:
noong panahon ng Espanyol, kataas-taasang hukuman sa Espanya at mga kolonya.